LAING RECIPE
MGA SANGKAP:
40 pirasong dahon ng gabi, hiniwa-hiwa
1/4 kilong baboy, hiniwa-hiwa
1/4 kilong hipon, hiniwa-hiwa
1 kutsaritang luya, tinadtad
siling labuyo
2 kutsaritang bagoong
3 tasang gata
1/2 tasang tubig
PARAAN NG PAGLUTO:
1. Ilagay ang gabi sa kaldero.
2. Ipatong ang baboy, hipon, luya, gata at tubig at pakuluan hanggang maluto ang baboy.
3. Idagdag ang bagoong at siling labuyo.
4. Hayaang maluto sa loob ng 5 minuto.
PAALALA: Upang lalong maging maanghang, durugin ang siling labuyo.
Comments
Post a Comment